Abante Tonite Interactive

Kababaihan hinimok sa sports

0 141

Nagkasundo ang mga matataas na opisyal ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) at Japan sa panawagan para sa pantay na partisipasyon ng kababaihan sa sports.

Binuo ng dalawang grupo ang bagay sa 1st ASEAN Plus Japan Meeting on Women and Sports 2019 Martes sa Sofitel Plaza Hotel sa Pasay City.

Kinagalak ni Philippine Sports Commission at 5th ASEAN Ministerial Meeting on Sports Chairman William Ramirez ang pagkakaisa ng mga delegasyon sa rehiyon pagbibigay importansiya sa naidudulot na kabutihan ng sports bukod pa aniya, “as a tool for peace, equality and development among Southeast Asian nations.”

Pinasalamatan naman ni Japan International Affairs Division Director Hirokazu Kumekawa ang lahat ng mga lumahok.

“This will strengthen the commitment of equal participation and opportunity of sports for every women in the ASEAN nation.”

Si Kumekawa ang nagsilbing co-chair sa meeting.

Itinakda ang mga programa na magdadagdag sa public awareness sa partisipasyon ng “Women and Girls in Sports” at pagkilala sa mga paraan na makakapag-usad at unlad sa partisipasyon sa rehiyon ng mga kababaihan.

Nakapulong din ni Ramirez si Indonesian Embassy Manila Deputy Chef de Mission Widya Rahmanto at Indonesian Embassy Information, Media and Public Relations Head Agus Buan kung saan pinag-usapan ang pag-aasikaso para sa nalalapit na pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian Games 2019.

Ang pulong ay agad na nagbigay pagkakataonsa sports chief at Team Philippines Chef de Mission Ramirez na magpatawag ng isa pang miting sa mga ambassador ng 11 kalahok sa SEA Games sa Nob. 30-Dis. 11. (Lito Oredo)