Abante Tonite Interactive

Kababalik lang, Durant injured ulit

380

Twelve (12) minutes lang ang tinagal ng unang laro ni Kevin Durant sa NBA Finals, sa loob ng higit isang buwan tapos abutin ng right calf strain sa Game 5 ng West Finals kontra Houston noong Mayo 8.

Lunes nang gabi sa Toronto, bumalik sa lineup ng Golden State Warriors si Durant, pasiklab ng perpektong 3 for 3 shooting mula 3-point range.

Pero sa kaagahan ng second quarter, lumabas na naman siya ng laro at hindi na bumalik.

Nagdi-dribble si Durant sa harap ni Serge Ibaka nang biglang tumigil, napa­kawalan ang bola at iika-ikang gumilid bago hinawakan ang ibaba ng kanang hita habang pabagsak.

Una ay nag-cheer pa ang Toronto fans sa arena, pero sa pangunguna ng ilang Raptors players ay nagsigawan ng “KD! KD!” habang inaalalayan si Durant papasok ng locker room kasama sina Stephen Curry, Andre Iguodala at general manager Bob Myers.

Umalis ng arena si Durant na naka-crutches, naluluha pa si Myers nang kumpirmahin na inabot ng Achilles tendon injury ang two-time finals MVP. Sasailalim sa MRI si Durant ngayon.

Mayo 8 pa ang huling laro ni Durant nang abutin ng right calf strain sa Game 5 ng West semis kontra Houston. Tumapos siya ng 11 points sa unang laro sa Finals.

Sa pagkawala ni Durant, binalikat nina Curry at Thompson sa endgame ang Warriors para panatilihin sa laro, at napreserba ang 106-105 win nang abutin ni Draymond Green ang tira sa buzzer ni Kyle Lowry.

Dinikit ng Golden State ang series sa 3-2, balik sa Oracle Arena ang Game 6 sa Biyernes.

Tumapos si Curry ng 31 points, nagdagdag si Thompson ng 26. Nagpakawala ng 12 3-pointers combined ang Splash Brothers.

Off the bench ay nag-ambag ng 14 points si DeMarcus Cousins, pitong sunod nang lumabas si Durant bago sinubuan si Green tungo sa 48-37 lead. Lumaki pa sa 13 sa four-point play ni Curry, hawak ng Golden State ang 62-56 edge sa break. (VE)