Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabahayan nagliyab sa charger

0 80

Mag ingat sa paggamit ng mga cellphone charger.

Ito ang mahigpit ngayong paaalala matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Balingasag, Misamis Oriental dahil sa biglaang pagsabog ng isang depektibong cellphone charger.

Base sa ulat ng Balingasag Fire Protection Department, sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumabog ang isang nakasaksak sa cellphone charger sa bahay ng isang Jonathan Laurente, 28, ng nabanggit na lugar.

Dahil mabilis ang pagkalat ng apoy ay nadamay na natupok ang 4 pang kabahayan na katabi nito.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na tumagal ng halos dalawang oras. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.