Abante Tonite Interactive

Kabahayan nasunog sa QC

147

Isang sunog ang naganap sa isang residential area sa Maria Clara St., Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog dakong alas-5:53 ng hapon at mabilis na kumalat sa mga bahay sa lugar na pawang gawa sa mga materyal na madaling masunog.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay patuloy ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy.

Hindi pa batid kung ano ang pinagmulan ng sunog na umabot na sa ikalimang alarma dakong alas-otso ng gabi. (Dolly Cabreza)