Abante Tonite Interactive

Kabaitan ng ‘Pinas inaabuso ng China

By
4,085

Pinarerepaso ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gobyerno ang mabait na pakikitungo nito o tinawag nitong peace of appeasement sa China.

Ito aniya ay sa gitna ng panggigipit sa mga ma­ngingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Drilon, posibleng hangad ng administrasyong Duterte na makakuha ng biyaya mula sa kaunlaran ng China subalit hindi ito aniya magtatagumpay dahil maliit na porsyento ng mga investment lamang ang pinapasok ng naturang bansa sa Pilipinas.

Abante Hiring – IT dep

Sa impormasyon ng mambabatas, mas malaki ang puhunang inilalagak ng China sa Vietnam kumpara sa Pilipinas sa kabila ng tahasang pagkompronta ng Vietnam sa China sa pinag-aaga­wang teritoryo.

Katunayan aniya noong 2017, umabot lamang sa $31 milyon ang mga investment na inilagak ng China sa Pilipinas kumpara sa $2.71 bilyon sa Vietnam.

Ito aniya ang mga datos na dapat pag-isipan ng gobyerno lalo’t hindi bumubuti ang sitwasyon sa WPS.