Abante Tonite Interactive

Kabaliwan at nakawan sa kampeonato ng NBA

By
1,961

Crazy para kay Stephen Curry ang NBA Finals. Robbery naman ang sigaw ni Tyronn Lue sa Game 1.

Ninakaw daw ang panalo sana ng Cleveland Cavaliers, tuloy ay nabaliktad at naging 124-114 overtime win para sa Golden State Warriors.

Kalahating minuto sa regulation at naiiwan ng dalawa ang Warriors, sumalaksak si Kevin Durant at unang napituhan ng charge nang sagasaan si LeBron James. Ni-review ang play, binaliktad ng officials ang tawag at si James na ang binigyan ng blocking foul.
“To come up robbed, it’s just not right,” busa ng bibig ni Lue.

Ninakaw daw ang 51-point performance ni James.

“It was a crazy game,” bulalas ni Curry. “The Finals, man, anything is liable to happen.”

Sa three-point play ni Curry sa kaagahan ng laro, nakuha niya ang free throw number 379 para lagpasan si Rick Barry (378) sa first place ng Warriors career list.

Sa second quarter, ibinaon ni Klay Thompson ang kanyang 293rd career 3 sa playoffs para unahan din si Kobe Bryant (292) sa sixth place sa NBA list ng postseason 3s.

Wala pa rin si defense specialist at 2015 Finals MVP Andre Iguodala (left knee bone bruise), pinag-start ni Steve Kerr si Kevon Looney pero pagkatapos ng break ay ginamit si JaVale McGee.

Sabay sa tunog ng halftime buzzer, swak ang napakalayong 3 ni Curry. Tumira ang Golden State ng 13 for 36 sa labas ng arc.

Si LeBron, may 109 career 30-point games na sa playoffs para pantayan si Michael Jordan sa pinakamarami sa NBA.