Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabarangay na snatcher nakorner

0 98

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District, ang 21-anyos na helper na nang-agaw ng cellphone ng 15-anyos na kalugar nito sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na si Jeric Fedelin, taga-Block 1 Gasangan ng nasabing lugar. Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente alas-10:30 ng gabi sa harap ng bahay ng biktimang si ‘Ron’, ‘di tunay na pangalan.

Ayon sa biktima, nakaupo siya sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at saka hinablot ang kanyang cellphone na Samsung A50 na nagkakahalaga ng P18,000 at saka mabilis na tumakbo.

SM food to go Banner Ad

Kaagad namang inireklamo ng biktima sa nakitang nagpapatrulyang pulis ang nangyari at sa tulong ng mga concerned citizen ay natukoy ang kinaroroonan ng suspek na noon ay nasa labaa ng isang eskenita.

Positibo naman kinilala ng biktima ang suspek na siyang humablot ng kanyang cellphone.

Sinampahan ng kasong Robbery Snatching ang suspek sa Manila Prosecutors office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.