Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabarkada ay Lamanlupa

0 156

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba ay dinadalaw ng mga lamanlupa o elemento? Tulad ng karanasan ni Samuel ng Rizal na hindi lang dumadalaw sa kanya kundi kabarkada niya mga lamanlupa.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Nagsimula ang ganitong karanasan ni Samuel nang minsan umakyat siya sa isang bundok sa Rizal para mag-camping. Nang sa pagtulog niya sa gabi biglang may pumipitik sa kanyang mga daliri sa paa. Noong una hindi niya pinapansin dahil akala niya baka stress lang sa paa niya pero kalaunan napansin niya may totoong pumipitik.

Misteryo: “Paano yung pakiramdam mo nun? Nangilabot ka ba? Nakita mo ba yung pumipitik na yun?”

Samuel: “Hindi ko nakita kung sino pumipitik na yun kasi inisip ko lang stress lang legs ko dahil nag climbing ako. Pero hanggang sa makauwi ako sa bahay tuwing matutulog ako nararamdaman ko yun.

Misteryo: “Anong ginawa mo? Lumapit ka ba sa eksperto para malaman kung ano yun?”

Samuel: “Hindi ako humingi ng tulong pero katagalan napapansin ko may mga hugis-tao akong naaaninag kaso maliliit sila. Nagtaka ako kung bakit ang liliit nila at hugis-tao yun pala may ganun palang nilalang at sila ay mga duwende.”

Misteryo: “Nakausap mo ba mga duwendeng yun? Ilan sila? Naririnig mo ba sila? Kung nakikita mo malinaw ba gamit mo mga mata mo?”

Samuel: “Hindi ko sila maintindihan kasi sobrang liit at tinis ng boses nila kaya nahirapan ako. Hindi ko rin sila masyado maaninag pero nararamdaman ko kung nasa tabi ko sila at yun nga yung pitik, kurot o tusok nila sa kamay ko o sa binti nararamdaman ko.”

Misteryo: “Tanong ko mababait ba sila? Hindi ka ba binigyan ng sakit? Kasi yung iba lalu pag itim na duwende nagbibigay ng sakit o kamalasan sa buhay.”

Samuel: “Naku hindi naman sila nagbigay ng sakit sa akin at hindi sila malas sa katunayan tinutulungan nila ako•

Misteryo: “Kung ganun hindi sila mga itim na duwende…mga puti sila.”

Samuel: “Tama ka kabarkada ko na sila ngayon at alam ko lagi ko sila kasama.”

Ang karanasan ni Samuel ay maaaring karanasan din ng iba kahit paano sana makatulong sa inyo.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.