Abante Tonite Interactive

Kabataan bilang mandirigma

39

Dear Sir:

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang malalang problema ng ating bansa lalo na sa terorismo. Ang isa pa sa nakakabahala dito ay ang pagrerekrut ng kabataan ng mga grupong walang awang pumapatay at naghahasik ng lagim. Ayon pa sa United Nations isang malaking problema talaga sa Pilipinas ang paggamit ng kabataan bilang mandirigma ng mga rebeldeng at tero­ristang grupo. Isa ito sa paglabag sa karapatang pantao, ngunit bakit ito ay hindi magawang silipin at sitahin ng Commission on Human Rights? Puro na lamang gobyerno ang binabagsakan ng sisi.

Nakakaawa ang sitwasyon ng mga menor de edad na ginagamit ng mga terorista bilang ‘human shield’ at napipilitang pumatay ng kanilang kapwa ng dahil sa banta sa kanilang buhay. Sana umaksyon rito ang CHR kung tunay ngang sila ay may pagpapahalaga sa tunay na karapatang pantao. Tuligsain nila ang mga ganitong pangyayari, bilang pagpapakita ng tunay na sinseridad nila para sa taumbayan.

Abante Hiring – IT dep

Jersan Arguilles
Mindoro

***

Dear Sir:

Sagad sa buto ang kawalanghiyaan ng New People’s Army. Isang retiradong sundalo ang kanilang pinaslang ng walang kalaban-laban at walang matinong dahilan. Talagang ipinagmalaki pa nilang NPA sila matapos nilang barilin ang biktima. Ganyan na ganyan rin ang gagawin ng NPA sa taumbayan, papatayin ng walang kalaban-laban at walang matinong dahilan. Hindi na mabilang ang krimeng ginawa at kinasangkutan ng NPA.

Hindi na rin mabilang kung ilang pamilya ang naapektuhan sa mga iligal na aktibidad nila, hindi na rin mabilang kung ilang pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay ng dahil sa kagagawan nila. Ngayon sabihin ni Joma at ngayon niya itanung sa sarili niya kung bakit ayaw na ng Pangulo ituloy ang usaping pangkapa­yapaan. Suma tutal, wala naman sanang gulo at di na kailangang hanapin ang kapayapaan kung wala ang mga terorista at rebeldeng grupo na tulad nila. Sakit sila ng ating bayan, sila ang dahilan ng matagal ng problema at lumalalang paghihirap ng ating bansa.

Walang negosasyon at walang pangulo silang si­nang-ayunan. Lahat na lang ay hindi nila pinaburan. Ang gusto lang nila sila ang masunod, sila ang may kapangyarihan. Sila ang papatay sa ating lipunan.

Louch R. Aquino
Bataan