Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabataan coordinator higit 1 linggo nang nawawala

0 264

Inatasan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Sta. Rosa City, Laguna Police Office na makipag-ugnayan sa pamilya ni dating Kabataan Party-list Laguna chapter coordinator Kemuel Ian Cometa hinggil sa ulat na nawawala ito nang mahigit isang linggo na.

Sinasabi kasi ng Karapatan Timog Katagalugan na si Cometa, isang alumnus ng University of the Philippines-Los Baños, ay nasa kustodiya umano ng pulisya matapos ang ginawang raid sa bahay nito sa Barangay Macabling sa Sta. Rosa City nitong Mayo 21.

Mariin namang itinanggi ng Sta. Rosa City PNP na hawak nila ang biktima at wala umano silang nadatnan na Kemuel Ian Cometa sa raid na kanilang isinagawa. Wala rin umanong kabilang na Kemuel Ian Cometa sa mga subject ng kanilang operasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mas mainam sana kung ang pamilya ang dumulog at pormal na mag-report sa ating pulisya na nawawala ang kanilang kaanak. Kung hindi man, inaatasan ko ang Sta. Rosa City Police na sila na ang lumapit at makipag-ugnayan sa mga magulang nitong si Kemuel Ian Cometa, kung hindi pa nila nagagawa,” ani Eleazar.

Personal ding nanawagan ang hepe sa mga kaibigan at kakilala ng biktima na makipagtulungan sa pulisya para sa agarang pagtunton dito.

Tinatawagan naman ni Eleazar ang mga nagsasabing nasa kustodiya ng pulisya si Cometa na maglabas ng ebidensyang magpapatunay sa kanilang pahayag. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.