Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabataan: Lusaw party-list taktika vs oposisyon

0 36

Duda ang Kabataan party-list sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang party-list system na sinasabi nitong pinasok na ng mga mayayaman at mga rebeldeng komunista.

Sinabi ng Kabataan na posibleng taktika lamang ito upang lusawin ang totoong oposisyon sa Kamara.

Bagamat totoo umano na may mga depekto ang party-list system na dapat ayusin subalit hindi solusyon ang paglusaw nito.

Isinulong ng Kabataan at mga kasama nitong kinatawan sa Makabayan bloc ang panukalang Genuine Party-list Group and Nominee Act o House Bill 8524) na naglalayong maipatupad umano ang tunay na layunin ng party-list system na magbigay ng boses sa mga marginalized sector. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.