Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabataan malakas puwersa sa halalan 2022 – Comelec

0 50

Nakikita ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang gagampanan ng boto ng mga kabataan para sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nasa 52% ng mga rehistradong botante sa ngayon ang edad 18-40 o ang tinatawag nilang ‘youth vote.’

“That’s how significant the youth vote is in the coming election,” pahayag ni Jimenez sa kanyang pulong sa mga mamamahayag.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung numero mula Hulyo ang pagbabatayan, nasa 60.46 milyon na ang mga rehistradong bumoto sa 2022, at ang nasa youth group ay 31.41 milyon.

Umaasa si Jimenez na tataas pa ang bilang ng mga rehistradong botante hanggang sa pagtatapos ng pagpaparehistro sa Setyembre 30.

“We are closer to 62 million, the numbers keep growing. We have massive registration going on right now,” aniya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.