Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabataan pumalag sa lusaw party-list

0 42

Kinontra ng Kabataan party-list ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na administrasyon na agad simulant ang pag-amiyenda sa Konstitusyon para mabuwag ang party-list system.

Giit ng grupo na mawawala ang tunay na oposisyon kung tuluyan nang lusawin ang party-list system.

“Paano ba iyan, Pangulong Duterte? Nanalo pa rin ang mga tunay na party-list gaya namin. `Wag ka nang bitter,” sabi ni Kabataan party-list first nominee Raoul Manuel sa isang pahayag.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi kumbinsido ang grupo na kailangan pang amiyendahan ang Konstitusyon para lamang buwagin ang partylist system.

Magiging daan lang umano ito para mabago ang mga probisyon na may kinalaman sa foreign ownership, term extension bukod sa pagbuwag sa tunay na oposisyon sa Kongreso. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.