Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabataan sasabak muli sa halalan

0 53

Naghain ng certificate of candidacy (COC) ang Kabataan Party-list para sa susunod na pambansang eleksiyon.

Sinamahan ni incumbent Kabataan Rep. Sarah Jane Elago ang first nominee ng party-list na si Raoul Manuel sa paghahain ng COC at certificate of nomination and acceptance.

“Malaking hamon sa kabataan ang ituring na mga pag-asa ng bayan. Tangan natin ang legasiya ng mga bayaning nagmahal sa bayan at ipinagtanggol ito noong sila ay mga kabataan…. Pasan ng mga kabataan ang responsibilidad na umambag para itakwil ang korapsiyon at isulong ang politika ng pagbabago at pag-asa,” ani Manuel.

Ang iba pang nominee ng nasabing party-list group ay sina Angelica Galimba, Jandeil Roperos, Maria Jianred Faustino, Jayvie Cabajes, Vince Alloso, at RJ Ledesma. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.