Abante Tonite Interactive

Kabataang Caviteño pinagtibay ang Provincial Youth Development Plan

0 75

Related Posts

TRECE MARTIRES­ CITY — Ika-5 ng Dis­yembre, nagtipon ang kabataang Caviteño mula sa 23 bayan at lungsod ng lalawigan para pagtibayin ang Provincial Youth Development Plan o PYDP. Ito ay alinsunod sa SK Reform Act o ang RA 10742, upang maging gabay sa paggawa ng mga local youth deve­lopment plans ng mga bayan at siyudad sa ­buong probinsya.
Binuo na din ang Cavite Association of Youth Development Officers (CAYDO) upang ma­ging mas mabilis, maa­yos at matiwasay ang komunikasyon at koordinasyon ng mga Youth Development Officer hinggil sa mga plano at proyekto ng probinsiya gayundin ay maibahagi ang mga plano ng kani-kanilang bayan at lungsod.
Ang PYDP ay tinugunan ang siyam na Centers of Participation of the Youth para matugunan ang mga pangangaila­ngan ng kabataang Caviteño sa mga sumusunod: Kalusugan, Edukasyon, Governance, Kalikasan, Social Inclusion and Equity, Global Mobility, Active Citizenship, Peace-building and Security and Economic Empowerment.
Dumalo ang mga Youth Development Officers, SK Federation Presidents, Youth Organizations, Youth-ser­ving Organizations at mga Student Councils ng iba’t ibang mga eskuwelahan at unibersidad sa Cavite.
Ito ay malaking hakbang upang maihanda ang ating kabataang Caviteño sa ha­mon na maging bahagi sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago sa ating bansa. Kasabay ng pagpapatibay ng PYDP ay patuloy nating inaa­yos ang Provincial Youth Code at dumadaan ito sa matinding pag-aaral at konsultasyon sa ating kabataan.
Ngayon ay handa na ang Panlalawigang Pamahalaan ng Cavite na itaas ang antas ng kamulatan ng kaba­taang Caviteño na lumahok at makiisa sa mga programa at proyekto ng ating lalawigan.
Para sa kapwa ko kabataan, tandaan niyo, hindi porket bata kayo, wala kayong magagawa. Tandaan niyo, mas madami kayong magagawa dahil bata kayo. At ang lahat ng yan ay ating magagawa dahil SA NAGKAKAISANG CAVITE, WA­LANG IMPOSIBLE!