Abante Tonite Interactive

Kabatuhan ng young actor nabuwiset

By
1,364

Maraming nakakatrabaho ng isang young actor ang nagkokomento na nakakahon lang ang kanyang ta­lento. Piling-pili lang daw ang role na puwede niyang bigyan ng hustisya.

Pero masuwerte kuno ang young actor dahil sa kabila ng kakapusan niya sa pag-arte ay inaalagaan pa rin siya ng kanyang network. Marami pa rin siyang katrabaho at napapanood pa nga siya nang regular sa isang variety show.

Komento ng isang source na nakakuwentuhan namin tungkol sa young actor, “Tignan mo, tingnan mong mabuti kapag umaarte na siya. Iisa lang ang reaction niya kapag nagagalit siya, kapag masaya siya, kapag nagdadrama siya.

“Sabihin na nating guwapo nga siya, pero sa pag-arte, nakakaloka siya, ha? Nagugulat na nga siya, pero wala naman sa face registration niya ang pagkamangha niya! ­Parang wala lang, napaka-flat ng facial expression niya!

“Masuwerte lang ang bagets na ‘yun dahil may buma-back-up sa kanya. Kung wala ‘yun, naku, hindi siya mapapanood sa mga serye dahil blangkung-blangko ang acting niya!” napakadiing opinyon ng aming kausap.

Ang kahinaan sa pag-arte ng young actor ay kitang-kita rin naman sa kababawan ng takbo ng kanyang utak. Maraming beses siyang napapahiya sa regular show niya, hindi siya makasagot sa mga tanong, dinadaan lang niya ang lahat sa pagporma at pagpapapogi.

“Mismo! Kailangan niyang paghandaan ang mga tanong, du’n kasi nasusukat kung may alam ang isang tao, sa mga biglaang question. E, mayhawak siyang mikropono palagi, kaya kailangang pinagha­handaan niya ang ganu’ng sitwasyon.

“Tama bang kapag siya na ang pinagtatanong sa contestant, e, blangko pa rin siya? Mga bansa lang sa Asia ang pinag-uusapan, pero Europe ang paandar niya? Puwede niya namang pagsunugan ng kilay ang mga ganu’n, magbasa-basa siya habang nag-aartista siya!

“Ayun, nabuwisit tuloy sa kanya ang isang kabatuhan niya na magaling sa kahit anong linya. Ano ang sabi sa kanya? ‘Ikaw kasi, puro basketball lang ang alam mo! Magbasa-basa ka naman para may alam ka!’

“Oo nga naman! Papogian lang ba ang pag-aartista? Mag-aral siya para hindi siya napapahiya!” madiin pang sabi ng aming source.

***

Kung ibinasura ng DOJ ang kasong rape na sinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro ay isang celebrity doctor naman ang hinuli-ikinulong nu’ng Biyernes sa Mandaluyong Police Headquarters sa kasong 2 counts ng rape at attempted rape.

Kilalang-kilala sa showbiz si Dr. Joel Mendez dahil maraming personalidad ang nagpupuntahan nu’n sa kanyang clinic para sa paraan ng kanyang atake sa pagpapapayat.

May isang singer-actress pa siyang nakarelasyon nu’n na hindi na namin babanggitin pa ang pangalan dahil baka ikinahihiya na nito ang nakaraan nila ng doktor.

Papunta kami sa Radyo Singko nang matanggap namin ang balita mula sa isang news reporter na kaibigan namin, nahuli raw at nakakulong nu’ng mga oras na ‘yun si Dr. Joel Mendez, dahil sa mga kaso ng rape at attempted rape na isinampa laban sa kanya.

Taong 2016 pa pala ang kaso, pero madulas ang doktor, hindi siya matiyempuhan ng mga awtoridad na handang humuli sa kanya sa bisa ng warrant of arrest.

Pero kung maliit ang mundo ay mas maliit di hamak ang Metro Manila, kaya nang matiyempuhan siya sa parking lot ng BSA Twin Tower ay idineretso na siya sa police station, kinunan ng mug shot at pinahimas ng rehas.

Matagal na naming naririnig ang ganitong kuwento tungkol kay Dr. Joel Mendez. Kapag may nagpupunta sa kanyang clinic ay isinasara niya ang pintuan, puro sigaw lang diumano ang naririnig ng kanyang staff sa labas, at marami pang ibang kuwento.

Nakapagpiyansa ang celebrity doctor, pero hindi du’n natatapos ang kanyang asunto, desidido ang pamilya ng nagsampa ng kasong rape laban sa kanya na makamit nila ang hustisya.

At dapat lang naman talagang maparusahan ang mga taong naglulugso ng kahinaan ng mga kababaihan. May mga babaeng dahil sa pagtatangkang halayin sila ay nagkakaroon nang matinding trauma, ayaw nang lumabas ng bahay, dahil sa matinding takot na baka may masalubong na naman silang hayok na pagtatangkaang nakawin ang kanilang dignidad.