Abante Tonite Interactive

Kabayan nagisa sa ‘pangmamaliit’ kay Bata

1,264

Trending sa Twitter ang tila pangmamaliit ni Kabayan Noli de Castro sa medalyang napanalunan ni pool master Efren ‘Bata’ Reyes sa ginaganap na Southeast Asian Games (SEAG). Bigo ngang makuha ni Bata ang gold medal sa one-cushion carom ng billiards at nag-settle siya sa bronze nang matalo sa Vietnamese opponent.

‘Pasmado’ umano ang bunganga ni Kabayan sa kanyang mga linya sa “TV Patrol” nang sabihing “bronze lang?” patungkol sa sinapit ng ating pambato.

Hindi maikakailang maraming fan si Efren dahil bronze man ang nakuha nito ay umaapaw ang congratulatory remarks sa kanya. Sa kanyang edad na 65, aminado si Bata na wala na sa kanya ang ‘magic’ na nagpasikat sa kanya sa naturang sport.

Kaya naman, hindi matanggap ng mga netizen ang komento ni De Castro.

@janninamaestre, “Noli de Castro’s ‘bronze lang’ comment is so uncalled for. To represent your country (and cop a medal) in Efren’s age is already an incredilbe feat.”

@mewisandre, “My brain upon seeing the twitter trends: ‘Uy, trending si Noli de Castro…”

@EXO_L_Rosee, “Naiiyak ako. How dare you, Noli de Castro, call Mr. Efren ‘Bata’ Reyes’ (a legend) achievement as ‘brOnZe lang’! Shame on you!! It’s not as if it’s easy to compete knowing his not as young as his competitors.”

@abegaeI, “Pasmado talaga bibig ni Noli de Castro.” (Jun Lopez)