Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabayan Noli senador sa Isko ticket

0 152

Tatangkain ng dating vice president Noli `Kabayan’ De Castro na bumalik sa Senado sa pamamagitan ng pagtakbo sa May 2022 elections sa ilalim ng tambalan nina Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong.

May 12 taon na rin ang nakalipas mula nang maging senador si De Castro at naging bise presidente pa hanggang sa bumalik sa pagiging broadcaster sa ABS-CBN.

Batay sa source ng online news site Politiko, pinagpilian ni De Castro ang pagtakbong senador alinman kina Moreno at Senador Panfilo `Ping’ Lacson na parehong nagdeklara na ng kanilang intensiyong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Nauna nang iniulat ng Politiko na dalawang slot na lamang ang kulang sa senatorial slate ni Lacson na ka-tandem naman si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III. Samantalang si Moreno ay wala pang inanunsiyo na mga kandidato sa pagka-senador.

SM food to go Banner Ad

Subalit sinabi ng source na nag-commit na umano si De Castro na tumakbo na lamang sa senatorial lineup ni Moreno.

Nanguna si De Castro sa 2001 senatorial election sa kabila ng pagtakbo bilang isang independent candidate. Naging bise presidente siya ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2004 hanggang 2010.

Bumalik ang 72-anyos na si De Castro sa TV Patrol pagkatapos ng kanyang termino bilang bise presidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.