Abante Tonite Interactive

Kabilang dimensiyon, puwedeng makita

225

Mga ka-Misteryo, naisip niyo ba kung may iba pang dimensiyon tayong ginagalawan ­bukod sa nakikita nating pisikal na dimensiyon sa pang-araw-araw ­nating buhay?

Kung kayo man ay nagtatanong kung merong ibang dimensiyon maliban lamang kung may kakayanan kayong makita ang di-pisikal na dimensiyon ay sasagutin ko ng malutong at malalaking OO.

Paano ba natin ka­yang patunayan na merong di-pisikal na dimensiyon? Kailangan pa ba natin itong patunayan? Sa isang paniniwala na merong Diyos at kanyang mga anghel na gumagabay sa atin sa araw-araw ay patunay na merong kabilang ­dimensiyon.

Abante Hiring – IT dep

Kung hindi naman kayo naniniwalang may Diyos, anghel at demonyo ngunit naniniwala kayong may mundo ng mga engkanto, diwata, duwende o anumang e­lemento ay patunay din na merong di-pisikal na mundo.

Kung naniniwala kayong may gumagalang kaluluwa, nagmumulto o nagpaparamdam sa inyong bahay ay patunay din na merong ibang dimensiyon.

Kung naniniwala kayong merong ekstra-terestriyal o alien, mga taga-ibang planeta at mas high-tech na time traveller, patunay din ‘yan na merong kabilang dimensiyon.

Lahat ng mga binanggit kong batayan ng katotohanan ng ibang dimensiyon ay pawang hindi normal na nakikita ng ating mga mata dahil sila ay nasa hindi pisikal na dimensiyon.

Marami na rin sa atin ngayon ang nakakakita sa mga nilalang sa kabilang dimensiyon ngunit ito ay depende sa abilidad o kakayanan ng isang tao.

Ang taong may kakayanan na makakita ng kabilang dimensiyon o non-physical dimension ay tinatawag na ‘clairvoyant’. Ngunit bawat isa sa atin ay may ganitong kakayanan sa pamamagitan ng ating mind’s eye o mata ng ating isipan.

Kung ang biglang tanong ay kung ­paano? Ang isang simpleng paraan na ipinapagawa ko sa sinumang gustong makita ang kabilang dimensiyon ay ipikit ang mga mata. Ito ang pamamaraan na humihiwalay ang ating kamalayan sa pisikal na ginagalawan natin at pagkakataon na makita ang hindi pisikal na dimensiyon.

Para sa inyong mga katanu­ngan at suhestyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Tunghayan ang aking website: www.reytsibayan.com. Namaste