Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabisera ng marathon

0 117

Sa inisyal po na research ng inyong lingkod, lumilitaw na ang Cebu Province ang maaring mabansagang na ‘Marathon Capital

Bakit po ba?

Narito po ang ilan sa mga nabasa ko sa Google at ang ilan ay sa file ko mula sa pagko-cover ng TP sa mga marathon, at of the Philippines’ o ‘Kabisera ng Marathon ng Pilipinas.iba pang running events noon pang late 80s hanggang nitong isang taon.

Sa may pito nating mga naging Olympian marathoner sapul noong 1968 Mexico-2016 Rio de Janeiro, dalawa ang Cebuano (Leonardo Illut sa 1984 Los Angeles at Roy Vence sa 1996 Atlanta), at isa ang Cebuana (Mary Joy Tabal sa 2016 RDJ).

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakamarami po iyan sa limang probinsya.

Sa unofficial tally ko sa combined male at female winners hanggang sa 42nd National MILO Marathon 2019-20, pinakamarami pa rin ang Lalawigan ng Cebu, 14.

Nakawalo si Vence, 54, ng Bogo City, samantalang may anim si Tabal, 31, ng Cebu City.

May tig-isang Southeast Asian Games win din sina Vence (2001 Kuala Lumpur) at Tabal (2017 Malaysia).

Si Christabel Martes pa lang ang nakakamedalyang (silver) Pinoy o Pinay sa Asian Marathon Championships noong 2000 sa Pattaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.