Abante Tonite Interactive

Kabit killer ng Lucena chairman

By
38

Tukoy na ng mga pulis ang mastermind sa pagpatay sa Barangay chairman sa Lucena City na si Eduardo Beriña na binaril noong November 14 ng umaga.

Ayon kay Quezon police director, Senior Superintendent Roderick Armamento, isa sa mga babaeng naging karelasyon ni Beriña ang mismong utak sa krimen.

Sa patuloy na imbetigasyon ng Lucena PNP, lumalabas na ang chairman ay nagkaroon ng apat na kinakasama nitong mga nakaraang buwan.

Isa sa mga ito ang nagbayad umano upang patayin si Beriña matapos iwanan ng chairman.

Kamakalawa ay naisampa na ang kasong murder laban dito at matapos na makitang may probable cause ay tinanggap na ito sa piskalya.

Hindi muna pinangalanan ni Armamento ang babae pero nakakatitiyak aniya sila na malakas ang hawak nilang ebidensya at hinihintay na lang nilang lumabas ang warrant of arrest para ito ay kanilang maaresto.

Si Beriña na chairman ng Barangay Ibabang Iyam, Lucena ay binaril ng mga di nakilalang suspek sa harap ng bahay ng kanyang bagong kinakasama noong November 14 ng umaga.