Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kable hinarbat ng PLDT lineman

0 60

ARESTADO ang isang lineman ng PLDT nang makuhanan sa loob ng kanyang sasakyan ng mahigit P8K halaga ng wire ng kuryente sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Qualified Theft ang isinampa laban kay Nelson Navarro, binata, dahil sa reklamo nina Herbert Esparrago at Renel Luigas, kapwa Roving Guards ng George Town Subd., Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Alih Rimbang ng Bacoor City Police Station, alas-7:00 kamakalawa ng umaga nang nakita sa loob ng puting Foton van ng suspek ang nawawalang mga PLDT FSF Aerial Cable size 200 pairs na 29 metro at nagkakahalaga ng P8,821.80. Nabuking ito habang nagsasagawa ng inspection sa mga papalabas na sasakyan sa George Town Subd., Brgy Molino 4 ng naturang Lungsod sina Esparrago at Luingas.

Nabatid pa na may kaparehas ding insidente kung saan nawala rin ang ilang metro na wire ng PLDT noong August 28 sa nasabing subdibisyon, na ipinapalagay na may kinalaman ang suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.