Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabog ni Jolina: Maja, Lovi, Denise pipila sa aktor

0 327

NI: VINIA VIVAR

Asar-talo sina Maja Salvador, Denise Laurel at Chienna Filomeno sa mga Pinoy fans ni Park Seo Joon sa Instagram page ng nasabing sikat na Korean actor.

Nag-post kasi si Seo Joon ng larawan niya sa kanyang IG na talaga namang pinagkaguluhan ng mga fans kabilang na nga ang mga nasabing celebrities natin. Sa ngayon nga ay umaabot na sa mahigit 3 million ang “likes” ng nasabing photo.

Ilan sa mga nagkomento ay sina Maja, Denise at Chienna at talagang katakot-takot na pang-aalaska ang naranasan nila.

Komento ni Maja, “sorry kung pinaghintay na naman kita” at talaga namang katakot-takot ang sagot na natanggap ni Maja.

“Maja dun ka sa likod! May pila walang star magic, star magic dito,” komento ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “pila ka bhess mahaba pila dun kayo ni mareng lovi sa dulo” na ang tinutukoy ay si Lovi Poe na fan din ni PSJ.

Si Chienna naman ay nagkomento ng “alagaan mo anak natin ha” kaya pinapila rin siya sa likod.

SM food to go Banner Ad

“Ate pumila po kau ng maayos,” reaksyon ng isang fan.

Komento naman ng isa, “Chienna hindi ka ba titigel?! DUN SA LIKOD!!”

Hindi pa nakuntento si Chienna, itinag pa si Denise Laurel kaya ang dami na namang nag-react at nagsabing nagtawag pa raw ang aktres.

“Kung pwede lang po sana wag ng magtawag ng back up haha mas marami po kame. Walang arti-artista! Pila nalang sa dulo ha?” mensahe ng fans kay Chienna.

Si Denise naman ay katakot-takot na heart emoji ang comment kaya sinabihan din siya na pumila’t walang arti-artista sa kanila.

Pero mas matindi si Jolina Magdangal dahi nag-post siya ng photoshopped picture na magkasama sila ni Park Se Joon.

“Ehem… alam kong may pila pero pasensya na kailangan ko po dumaan.? Secretary Kim palang tuwang tuwa na ako sa kanya, at nagalingan ako dun sa Itaewon Class nya, and kakatapos ko lang panoorin ang She Was Pretty.. kaya alam nyo na bakit ako nagpost.? plus, ganda boses nya sa pagkanta. And I thank you!!! #ParkSeoJoon Thank@you sooo much @ashley.menchate sa pag gawa ng picture na ito,” caption ni Jolens.

Kantyaw tuloy sa aktres, hindi na raw siya pumila. Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.