Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabog si Papa P: Pia pumiyok sa tulis ni Pepe

0 267

Kung si Pia Wurtzbach ang tatanungin, hindi si Piolo Pascual ang pagseselosan ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Mukhang mas dapat daw kabahan si Jeremy kay Pepe Herrera dahil ‘napaka-sharp’ daw ng komedyante.

“Feeling ko kay Pepe siya mate-threaten talaga kasi napaka-sharp ni Pepe,” lahad ng beauty queen.

Sey ni Pia, noong tanggapin niya ang sitcom nila ni Papa P ay hindi na siya nagpaalam kay Jeremy .Alam naman daw ng kanyang nobyo ang kanyang trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya nang alukin siya para makasama sa ‘My Papa Pi’ ay agad niya itong tinanggap.

“Kasi sumakto rin na may time ako. I was able to move some stuff around to make time for the shoot. Nandito rin naman ako sa Pilipinas,” wika ni Pia.

Sa naturang sitcom, tila magkakaroon ng love triangle sa pagitan ng mga karakter nina Piolo, Pia at Pepe. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.