Abante Tonite Interactive

Kabog sina KC, Maja, Angel at Anne sa Gazette…

By
MARIAN RIVERA
4

MATAPOS ­maging ­unang FHM Sexiest Woman Hall of Fame ­inductee, kinilala ng isang American-based online media company ang Yan Ang ­Morning host na si Marian ­Rivera-Dantes bilang pinakamagandang ­artistang Pilipina sa isang feature article na inilabas nila kamakailan.

Ayon sa Gazette ­Review, si Marian ang isa sa ‘most in-demand celebrity endorsers in the country and is a frequent face on many magazine covers.’

Nanguna si Marian sa listahan na kinabibi­langan ng iba pang mga artista tulad nina KC Concepcion, Maja ­Salvador, Angel Locsin at Anne Curtis.

Si Marian ang Ynang Reyna Mine-a sa requel ng Encantadia.

***

Naglabas ng initial unofficial list ng mga pelikulang nag-signify ng intensyon na sumali sa MMFF ngayong taon.

Masaya sana kung makapasok ang entry ­nina Charo, Uge, Nora, at marami pang iba.

Exciting ang 54 ­entries na nasa listahan.

***

Usap-usapan si Paolo Ballesteros sa anniver­sary ng Eat Bulaga. Totoo kayang babalik na siya sa mahal niyang programa sa September? Sana.

Kasi by then, natapos na niya ang dalawa niyang pelikulang kasalukuyang ginagawa.

***

Wagi sa takilya ng North America last weekend (Hulyo 29-31) ang bagong bukas na Jason Bourne.

$59.2M ang opening weekend gross ng action sequel na pinagbidahan ni Matt Damon.

***

Ginawang chick flick ang remake ng Ghostbusters.

At iyong Splash (1984) na nagtampok kay Daryl Hannah ­bilang sirena, ikinakasa ang ­remake kung saan ­merman naman si Channing Tatum.

***

Kumusta ang pina-­presscon nang The Greatest Love na ­akala ng marami ay ipapalabas na agad?

Bakit parang mabi­binbin ito?

Anyare?