Abante Tonite Interactive

Kabugan sa ‘Flores de Mayo’

478

Julius Segovia

julius-segoviaIsang Catholic festival ang Flowers of May o sa wikang Kastila, ‘Flores de Mayo’ kung saan araw-araw inaalayan ng bulaklak si Birheng Maria bilang pagninilay at pagpupugay sa kanya sa buong buwan ng Mayo. Nagtatapos ito sa isang grand finale na kung tawagi’y Santacruzan o Holy Cross.

Nag-oorganisa ng Santacruzan ang iba’t ibang parokya at mga komunidad sa lahat ng sulok ng bansa upang gunitain ang paghahanap at pagkakatagpo nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Emperador Constantino ng Banal na Krus mula sa Jerusalem. Si Constantino ang nangunang ga-wing pambansang relihiyon ang Kristiyanismo, kaya lalo itong lumaganap noong mga unang panahon.

Sa Santacruzan, pinaparangalan din ang mga bidang babae sa Banal na Kasulatan gaya nina Reyna Ester, Reyna Saba o Sheba, at Infanta Judith. Kasama rin sina Veronica, Maria Magdalena, Maria Jacobe, at Maria Salome.

Sa dulo ng prusisyon ng Santacruzan, makikita naman si Reyna Elena, kung minsa’y may Emperatriz pa.

Dahil Mayo na, siguradong kaliwa’t ka-nan ang Santacruzan o Flores de Mayo sa iba’t ibang panig ng bansa. Talaga namang pinagkakagastusan ito mula sa damit at sapatos na isusuot hanggang sa gayak ng arkong gagamitin. Mapapa-wow ka na lang sa garbo ng mga hitsura’t disenyo.

May mga Flores de Mayo na artista ang kasali kaya mas kaabang-abang para sa fans. Di alintana ang init masila-yan lang ang mga iniidolo sa parada.

Ginagamit din itong pagkakataon ng mga kilala at batikang fashion designer para ipasuot sa mga modelo ang mga ipinagmamalaki nilang obra gaya ng mga one-of-a-kind desig-ner gown at barong Tagalog.

May mga pagkakataon ding sina Lolo at Lola ang bida sa Santacruzan kaya lalong exciting. Kung kaya ng mga binata’t dalaga, di naman siyempre pahuhuli ang ating mga senior citizen. Sino nagsabing hindi sila game na rumampa sa parada?

Isa pa sa highlight ng mga Santacruzan ngayon ang pagsali ng mga bading at tomboy o ‘yong nasa LGBT community.

Talagang nag-evolve na ang pagdiriwang ng Flores de Mayo. Pinapaalala sa atin ng Santacruzan na malaki ang naiambag ng mga babae sa pagpapalago ng ating pananampalataya. Hi-git sa lahat, ang masigasig na pagha- hanap sa Diyos.

Wala namang masama kung iba-iba tayo ng paraan sa paggunita ng taunang tradisyon. Ang sa akin lang, huwag sanang makalimutan ang diwa at tunay na kahulugan nito.