Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kabuhayan ng mga golfer

0 40

Mabuti naman at magbabalik na ang 26th Asian Tour 2020-21 sa pamamagitan ng apat na leg, tigalawa sa Thailand at Singapore sa parating na tatlong buwan.

Siniwalat nitong October 5 ni Thai AT Commissioner at CEO Cho Minn Thant ang good news sa main continental men’s professional golf tour tapos mahinto sa Malaysian Open noong March 2020 sanhi ng Covid-19 na nag-lockdowns sa mga bansa.

Nakatakda ang US$1M (P50M) Blue Canyon Championship sa November 25-28, at $1M Laguna Phuket Championship sa December 2-5. Susundan ito sa January 2022 ng dalawa pang yugto na pina-finalize na ang mga detalye sa Singapore.

SM food to go Banner Ad

Ilan sa mga Pinoy pro na nagphayag ng intensiyong maglaro sina three-time AT leg winner at Japan Golf Tour campaigner Angelo Que, 42, ng Manila at 3-time AT leg second placer Antonio ‘Tony’ Lascuña, 50, ng Davao.

Malamang na lumahok din sina 2016 Rio de Janeiro Olympian, 2-time AT leg winner Miguel Luis Tabuena, 26, at Justin Raphael Quiban, na isa ring AT card holder. Kapwa nasa United States ang dalawa nagbabakasakaling makasingit-singit kahit paminsan-minsan sa Professional Golf Association Tour.

Malaking tulong sa kabuhayan ito ng ating mga male pro golfer lalo’t hininto o wala pang mga torneo sa ‘Pinas hanggang ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.