Abante Tonite Interactive

Kabulastugan ng China balik agad sa kanila!

701

Sa wakas, natapos na rin nitong Linggo ang may 16 na araw na 18th Fiba (International Basketball Federation) World Cup 2019 sa walong lungsod sa Mainland China.

Namutiktik sa reklamo ang pagdaraos nito mula sa 32 kalahok na mga bansa, kasama ang Tsina na siyang host ng men’s quadrennial cagefest nitong Agosto 31-Setyembre 15.

Isa sa mabokang nagsiwalat sa kalokokan nila ay ang nag-resign na coach ng Serbia na si Sasha Djordjevic. Apektado aniya ang kalidad ng mga laro dahil siniksik ang games sa maigsing panahon lang.

“Give the same conditions to all the competitors to have the same rest days, the same conditions to compete,” punto ni Djordjevic. “After 15 days of games and games and game, and back to back … you need that rest to give your best basketball.”

May mga naggiit pang nawawalan na sila ng oras para makapaghanda nang maayos sana sa mga laro. Pero bunsod sa malalayong playing venues naging mahaba ang oras ng kanilang mga pagbibiyahe.

Sa magkakaibang probinsya dinaos ng China ang group stage, knockout at classification phase ng torneo.

Akala marahil ng Chinese ay papabor sa kanila ang taktika.

Hayun instant karma, nasingitan pa sila ng Iran bilang ikalawang bansa sa pagsunod sa mga Japanese, na nakapasok na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Nakuha ng Iranians ang karapatan bilang top Asian team finisher sa kompetisyon. Pumaroon na rin ang mga Hapones dahil sila ang punong abala ng susunod na taong Olympics.

***

Hayaan po ninyong i-greet ko ang mga birthday celebrant na mga kaopisina ko sa Prage Management Corporation/Abante News Group sa buwan ng Setyembre.

Sila ay sina Athens S. Yap (Set. 1), Elmar F. Ellarina (September 3), Rhyan G de Leon (Sept. 4), Aileen T. Taliping (6), Ferdinand M. Ladanga (8), Merquejames U. Episcope (10), Alec Paolo Ventocilla at Janiel Abby S. Toralba (16), Alberto C. Romero, Jr. (17), Dondon G. Sermino (18), Ferdinand ‘Ferdz’ P. Delos Santos (23), Ma. Theresa S. Divina (25), Edizon P. Quadala (27), Raymark D. Patriarca (28) at Prince Couen E. Golez.

Siyempre pati sa mabait na hepe ng Philippine Sports Commission Public Communications Office na si Ms. Emmalyn ‘Malyn’ Perez de Tagle-Bamba na nagdiwang naman nito lang Set. 11.
Mabuhay po kayong lahat, God bless!