Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy Weekly diyaryo sinamsam sa Bulacan

0 646

KINUMPISKA ng Philippine National Police (PNP) ang ilang pahayagan ng Pinoy Weekly matapos ang isinagawang raid sa tanggapan nila sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Pandi, Bulacan.

Ang pagkumpiska sa nasabing mga pahayagan ay isinagawa isang linggo makaraang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Law sa bansa.

Bago ang nasabing raid, ayon sa ibang miyembro ng PNP raiding team, nakatanggap umano sila ng intelligence information na sa isang bahay sa Pandi, Bulacan na pag-aari ng isang Rose Fortaleza, na umanoy leader ng KADAMAY, ibinabagsak ang mga nakaimprentang newspaper.

Dito, inaresto si Fortaleza kahit na wala umanong arrest warrant ang mga raiding team.

Ayon sa PNP, naniniwala umano sila na ginagamit ng KADAMAY ang Pinoy Weekly newspaper para sa subersibong kilusan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.