Abante Tonite Interactive

‘Kadenang Ginto’ may 800M views sa YouTube

832

tonite-this-is-it-roldan-castroPatuloy ang walang sawang suporta ng mga manonood sa mga nakakagigil na eksena nina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brillantes, at Dimples Romana sa “Kadenang Ginto” kaya naman nananatili ito sa trono bilang pinakapinapanood na serye sa hapon at mainit na pinag-uusapan sa social media.

Hindi natinag sa national TV ratings ang programa at kamakailan ay humataw ito sa all-time high rating na 27.3%, at araw-araw na nananatili sa 20%-mark, ayon sa datos ng Kantar Media.

Bukod sa telebisyon, malaking tagumpay din ang natatamasa ng serye sa online world dahil umabot na sa higit 800 million ang total views ng daily highlights nito sa YouTube, kung saan halos bawat video ay pumapalo sa higit isang milyong views.

Marami rin ang pilit na humahabol sa past episodes ng serye dahil ito ang most watched program ng iWant para sa buong buwan ng Abril, kung saan pumapalo naman sa 1.5 million ang daily views nito araw-araw.

Walang humpay din ang pagsulpot ng sari-saring memes tungkol sa serye na lubos na kinatutuwaan ng netizens. Marami rin ang gumagaya sa tarayan ng mga eksena ng palabas, tulad na lamang ng vlogger na si Kyo Quijano sa pag-upload niya ng parody series na “Kadenang Tanso,” na tumabo na ng higit sa isang milyong views ang dalawang episode.

Isang pagkilala naman ang natanggap ng “Kadenang Ginto” matapos itong gawaran bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines-Batangas dahil sa pamamayagpag ng serye at mahusay na pagganap ng mga karakter nito.

Samantala, mas marami pang pasabog ang serye na gugulat at lalong magpapakapit sa mga manonood tuwing hapon sa mas makapigil-hiningang eksena ng mga mag-ina. Nagbibigay naman ng bagong timpla sa palabas ang pagpasok ng dating “PBB Otso” housemate na si Seth Fedelin.

Mula naman sa tagumpay ng “Kadenang Ginto,” inilulunsad din ng Dreamscape Entertainment ang “The Gold Squad” nina Francine, Kyle, Seth, and Andrea – apat na teenagers na masayahin, responsable, masipag at mapagmahal sa pamilya na iba’t iba ang pinagmulan, kinalakihan, at pinagdaanan sa buhay. Maglulunsad ang “The Gold Squad” ng sari-saring proyekto na magdadala ng saya at makaka-relate sa kanilang batang fans, kabilang na ang sarili nilang album sa ilalim ng Star Music.

Bukod sa “The Gold Squad,” marami pang pasabog at bangayang hatid ang palabas ngayong tuluyan na ngang ibinasura ang isinampang kaso kay Romina (Beauty) at maaari niya nang mabawi lahat ng iniwan sa kanya ni Robert (Albert Martinez). Pero hindi naman papayag si Daniela (Dimples) dahil gagawin niya ang lahat upang mawala na sa landas niya ang mortal niyang kaaway.

Ang away nila ay lubos na magdudulot ng galit kay Marga (Andrea), kaya naman ibubuhos niya ito kay Cassie (Francine) at pilit na ipapamukha na wala siyang karapatan sa kahit na anong yaman ng mga Mondragon.
Saan nga ba hahantong ang tapatan ng mag-iinang Mondragon?

Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN.
***

Carmina nakipag-bonding sa Sexbomb Girls

Hataw ngayong Sabado ng umaga sa “Sarap ‘Di Ba!” ng GMA-7, dahil makakasama ni Carmina Villarroel ang tatlong Sexbomb Girls. Ito’y sina Mia Pangyarihan, Cheche Tolentino at Aira Bermudez.

Habang ginugunita ni Mina ang memories ng Sexbomb Girls, ang kambal naman na sina Cassy at Mavy ay nag-establish ng rapport sa naturang get together.
Tutukan sina Mavy, Cassy at Carmina na gagawa ng Sexbomb Dance Moves challenge sa nasabing episode.

Mapapanood ito bago ang “Eat Bulaga.”
***

Gabi ng tawanan at kantahan ang handog sa grand opening ng ML (Music & Laughter) Comedy Bar ngayong May 18, 2019, 4PM to 3 AM. Ito’y matatagpuan sa Messhall Food Park, Montalban St., Imadejas, Butuan City.

Tampok ang tandem nina AJ at Le’ Chaz. Featuring “Eat Bulaga” Dancing Divas Champion. Nandiyan din ang mga gay impersonator na galing sa Metro Manila.
Host naman si Elsa Loca.
Effect na ba Mama Gelli?