Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kadete ng PMA positibo sa COVID

0 64

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang ilang mga kadete ng Philippine Military Academy, ayon kay Armed Forces spokesman Major General Edgard Arevalo.

Sinabi ni Arevalo na ang ilang food handlers na siyang nabibigay ng pagkain sa mga kadete ay na-infect din ng sakit.

Hindi naman nito tinukoy kung ilan ang infected sa military school.

“Kinukumpirma po ng pamunuan ng Philippine Military Academy na nagkaroon nga po ng insidente ng COVID-19 infection sa loob ng Philippine Military Academy at ito po ay kinabibilangan ng mga kadete o mga food handlers natin na nagsisilbi sa mga pangangailangan ng ating mga kadete,” sinabi ni Arevalo.

SM food to go Banner Ad

Sa hiwalay na kalatas, sinabi ni PMA spokesperson Major Cherryl Tindog na ang COVID-19 infections sa cadets at sa military at civilian personnel ay nadiskubre matapos isagawa ang massive RT-PCR testing.

Sinabi naman ni Tindog na ang mga kaso ay nai-report na sa mga health personnel sa Baguio City.

Alam na rin umano ng PMA ang gagawin sa sitwasyon at humingi lang ng tulong sa AFP General Headquarters. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.