Abante Tonite Interactive

Kadete niyari ng ROTC commander

0 217

Wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang 23-anyos na estudyante ng Iloilo State College of Fisheries sa Dumangas, Iloilo.

Natagpuan si Willie Amihoy, 23, residente ng Dumaguete City sa palikuran na nakabalot pa ng tela ang ulo, alas-11:00 Lunes nang umaga.

Nadakip naman ng pulisya ang sinasabing suspek sa krimen na nakilalang si Elmer Decilao, 23, ng Brgy. Ermita, Dumangas.

Sa inisyal na ulat, nag-ugat umano ang krimen matapos akusahan ng biktima ang suspek na nagnakaw ng cellphone nito na ikinagalit ng huli. Kumuha diumano ng metal pipe si Decilao saka inihataw sa ulo ni Amihoy.

Nabatid na si Decilao ay graduating BA Education student ng nasabing paaralan at tumatayong Reserve Officers’ Training Corps commander habang kadete naman si Amihoy.