Abante Tonite Interactive

Kaewpin, Blanco, Creamline lumapit sa PVL grand slam

0 250

ABOT-KAMAY

Humagupit sina imports Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela upang rendahan ang Creamline sa pagbawi sa mabagal na simula upang mapatagas ang PetroGazz, 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 at lumapit sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference grand slam Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Pumuntos ng 21 ang Thai volleybelle, 18 mula sa atake at tatlong service aces, habang sumubo ng 18 markers ang Venezuelan player upang makalapit sa titulo ng torneo ang two-time defending champion Cool Smashers.

Pwede nang walisin ng Creamline ang best-of-three Finals sa pagsiklab ng Game 2 sa Sabado sa parehas na venue.

Pero ayaw pang pakasiguro ni team skipper Alyssa Valdez laban sa kalidad na Angels.

“Breaks of the game talaga and PetroGazz is very experienced team with two of the best imports right now dito sa PVL,” pahayag ni Valdez, na nag-alpas ng 16 pts.

“Ako masaya ako kasi kahit ganoon ang nangyari we were eyeing for our goal sa team. Hangga’t di pa tapos ang game we kept on pushing each other and ‘yun maganda naman ang result,” panapos ng volley star.

Walang bisa pa rin para sa PetroGrazz ang hinarabas na 20, 18 at 10 para sa PetroGazz nina guests Janisa Johnson ng Estados at Wilma Salas ng Cuba, at ni Jeanette Panaga, ayon sa pagkakasunod, sa ikalawang sunod na taob sa katunggali, kasama ang sa second round round eliminations. (Janiel Abby Toralba)