Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad 2 beses binaril sa Quiapo

0 401

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isang Barangay Kagawad na binaril ng una, nang manlaban sa tauhan ng Manila Police District -Police Station 14 kamakalawa sa Rizza Food Hauz sa Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Kinilala ni PSMS Jansen Rey G San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, ang suspek na si Edgardo Maluto, 52, tubong Cagayan de Oro na namatay noon din matapos mabaril ng rumespondeng pulis.

Sa imbestigasyon, unang binaril ni Maluto si Alinor Sharief, 51, Barangay Kagawad sa Brgy 303 at taga 821 Arlegui st., Quiapo, na ginagamot ngayon sa Metropolitan Hospital dahil sa 2 tama ng bala sa katawan.

Alas 6:20 ng gabi, sa hindi pa malamang dahilan ay pinagbabaril ni Maluto si Sharief.

Ilang nakakita ang kaagad na nagsumbong sa MPD-PS14 dahilan para magsagawa ng hot pursuit operation.

Hinabol ng mga pulis ang suspek pero nanlaban at nagpaputok dahilan para gumanti ng putok si Patrolman Ramon Samson na ikinasawi ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.