Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad bumangga sa poste, todas

0 41

Yumao ang isang barangay kagawad at kasama niya nang bumangga sa isang konkretong poste ang kanilang minamanehong sasakyan sa Gen. Trias City, Cavite, Biyernes ng gabi.

Isinugod pa sa Gen Trias Medicare Hospital sina Jay Madlangbayan, 42, incumbent Barangay Councilor at residente rin ng Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias, at Aiza De Guzman, 34, ng Elliston Place, Brgy. Pasong Camachile 2 pero kapwa sila idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong malubhang sugat.

Sa naantalang report ni P/SSgt. Cristopher Dumalo ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-11:30, Setyembre 10 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan minamaneho ni Madlangbayan ang kanyang Toyota Corolla (Sedan) na may plakang PPR 638 patungo sa direksyon ng Brgy. Tapia ng nasabing lungsod at kasama niya si De Guzman.

Habang binabagtas nila ang kahabaan ng Governor Ferrer Drive, pagsapit sa Brgy. Pasong Kawayan ay bumangga ang kanilang kotse sa isang nakaharang sa kalsada.

Dahil dito, umikot ang sasakyan ng kagawad at bumangga sa isang konkretong poste sa tabi ng kalsada. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.