Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad kumasa sa pulis bulagta

0 217

Patay ang isang incumbent barangay kagawad matapos manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon laban sa kanya Linggo ng gabi sa bayan ng Buhi, Camarines Sur.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga bala sa katawan ang suspek na si Froilan Oaferina III, 45, ng Barangay Tambo ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:59 ng gabi nang nagtungo ang mga tauhan ng Buhi Municipal Police Station (MPS) sa bahay ng suspek sa Barangay Tambo, bitbit ang search warrant na may kinalaman sa pagtatago ng hindi lisensyadong baril na inilabas ng korte.

SM food to go Banner Ad

Papalapit pa lang ang mga pulis ay pinaputukan na umano sila ng suspek dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito at mapatay ang kagawad.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 baril at mga bala nito.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, ang suspek ay isang high value individual bilang isang public official. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.