Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad laglag sa shabu

0 196

Kalaboso ang isang barangay kagawad nang maaresto sa buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Brgy. District 6, Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PLt. Colonel Erwin Ferry, nakilala ang dinakip na si Sonny Agustin Balcorta, 43, halal na kagawad at taga-Brgy. Bulala, Cuyapo, Nueva Ecija.

Nabatid na alas-12:30 ng madaling araw nang maglatag ng buy bust kontra kay Balcorta na nakatalang high value target (HVT) sa droga na sumailalim sa 6-araw na paniniktik.

Ayon pa kay Ferry, nakunan ng 2 sachet ng shabu sa naturang operasyon ang opisyal ng barangay. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.