Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad na drug dealer bistado

0 53

Nadakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y drug dealer sa isang buy-bust operation sa Buluan, Maguindanao, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang suspek na si Jaher Guiapal alyas ‘Johny Long’, 40, residente ng naturang lugar. Alas-kwatro ng hapon nang maaresto ang suspek sa Brgy. Poblacion. Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa umano’y iligal na aktibidad ng suspek na nabatid na kagawad ng munisipalidad sa Mangudadatu.

Agad naman itong inaresto matapos na bentahan ng may 20 gramo ng hinihinalang shabu ang isang undercover agent ng PDEA. Ang naturang kontrabando ay tinatayang may street value na P136,000.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa illegal na droga, nakumpiska rin mula sa suspek ang isang cellphone na ginamit nito sa transaksiyon.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Juvymax Uy, ang Commander ng Joint Task Force Central na ikinukonsidera si Guipal bilang isa sa mga high-value targets (HVTs) sa listahan ng PDEA.

“He is also a Barangay Kagawad in the municipality of Mangudadatu,” aniya. (Dolly Cabrera/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.