Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad na kabatak ng mga kriminal, tiklo

0 451

Arestado ang isang incumbent barangay kagawad ng Silay City, Negros Occidental na miyembro ng isang criminal group matapos ang isinagawang operasyon ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police Martes ng hapon sa nabatid na lungsod.

Kusa namang sumuko ang suspek na si Barangay E. Lopez kagawad Remy Belandres, taga-Hacienda Teresita ng nabatid na barangay matapos makuhanan ng isang kalibre .45, 12 gauge shotgun at mga bala nang pasukin ng pulisya ang kanilang bahay ala-1:30 ng hapon nitong Martes sa bisa ng search warrant.

Ayon sa ulat, si Belandres ay sangkot sa serye ng pagnanakaw, cattle rustling, gun running at gun for hire sa Negros Occidental.

Bukod sa mga baril ay nakuhanan din ang suspek na mahigit sa P1.8 milyon halaga ng pera sa loob ng bahay nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.