Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad na nagpapagawa ng bahay niratrat

0 333

Todas ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Barumbong, Sto. Tomas, Isabela noong Linggo, ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Kinilala ng IPPO ang biktima na si Alejandro Maddawin, 58, barangay kagawad ng Barangay San Jose, Delfin Albano, sa nasabing lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa IPPO, nagpapagawa umano ng bahay ang biktima sa Barangay Barumbong nang dumating ang dalawang suspek na sakay sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

Nagtamo si Maddawin ng mga tama ng bala ng baril sa ulo, dibdib at tagiliran na sanhi ng kanyang pagkamatay. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.