Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad na tutok sa drug war, pinasabog ulo

0 135

Utas ang isang barangay kaga­wad matapos siyang barilin sa ulo sa Barangay Rosario, Pasig City nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Niki Cruz.

Ayon sa isang ulat, nasa kala­gitnaan ng pagpupulong ang nasa­bing ginang nang biglang lapitan ng isang lalaki at barilin sa ulo.

Agad naman umanong nakata­kas ang hindi nakilalang suspek na tantyang nasa edad 20 hang­gang 25.

Napag-alaman na may kasama ang salarin sa panahon ng krimen na nagsilbing lookout nito.

Batay sa report, matagal nang nakatatanggap ng death threats si Cruz dahil sa kampanya nito kon­tra ilegal na droga.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng awtoridad ang naturang kri­men. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.