Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad nalambat sa shabu

0 69

Timbog ang kagawad ng isang barangay sa Iloilo sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis, Biyernes ng gabi.

Sa report, nangyari ang operasyon sa Ba­rangay Abilay Norte sa Oton, Iloilo.

Nakabili umano ang isang poseur buyer na pulis ng hinihinalang shabu na nagkakahala­ga ng P5,000 sa suspek na itinago muna s pangalang alyas ‘Jun’.

Sinasabing kagawad si Jun ng Barangay Ta­laba sa Badiangan.

Nakuha rin mula sa suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P100,000, dalawang baril at mga bala.

Sinasabing high-value target ang kagawad ng Philippine Drug Enforce­ment Agency sa Region 6.

Si ‘Jun’ ang nagsusu­play umano ng droga sa lungsod ng Iloilo at ka­lapit na mga probinsya.

Kasong paglabag sa Comprehensive Danger­ous Drugs Act at Compre­hensive Law on Firearms and Ammunition ang kahaharapin ng suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.