Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad niratrat sa barangay hall

0 205

Patay ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng 2 di nakikilalang gunman sa loob mismo ng barangay hall kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Antonio Calma Jr., 43, kagawad at OIC ng Brgy. 484 Zone 48, Sampaloc at taga-1829 Simoun Street, Sampaloc.

Inilarawan naman ang suspek na naka-jacket na may hood, ball cap at face masks.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide dection, naganap ang pamamaril alas-10:30 ng gabi sa loob ng barangay hall ng Brgy. 484 Zone 48 sa algeciras Street, Sampaloc.

Sinabi ni Kagawad Errol Dela Cruz, nasa gitna sila ng pag-uusap nang pumasok ang dalawang suspek at saka pinagbabaril ang biktima na noon ay nakaupo sa monoblock chair.

Wala namang ibang tinamaan maliban kay Calma na target ng mga suspek.

Tumakas ang mga suspek sakay ng pulang Toyota Innova habang isang gray Pajero type SUV na walang plaka ang bumuntot dito patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Nakakuha ang mga awtoridad ng 14 na basyo ng bala at 1 deformed na bala nang hindi pa mabatid na baril.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa krimen at pinag-aaralan ang CCTV footage. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.