Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad sa Cavite tinigok kaalitan

0 83

Sumuko sa awtoridad ang isang barangay kagawad na tinuturong may sala sa pagkamatay ng dati nitong kaalitan sa Gen. Trias City, Cavite, Linggo ng tanghali.

Isinugod pa sa Gen. Trias Doctors Medical Hospital ang biktimang si Isaac Yusores Carallas, 33-anyos, subalit namatay siya habang ginagamot. Kinilala naman ang suspek na si Herminio Feranil, 43, incumbent kagawad ng Brgy. Buenavista 3, Gen. Trias City.

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30, kamakalawa ng tanghali nang maganap ang insidente sa Brgy. Buenavista 2 kung saan nagpambuno ang suspek at biktima, at sa pag-aagawan nila ay nabaril at tinamaan ang huli.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang dalawa ay dati nang may alitan na nag-ugat nang atakihin ng biktima ang suspek habang armado ng baril. Si Carallas ay suspek din umano sa pananaksak sa isang Marina Domingo dakong alas-5:45 ng hapon noong Agosto 28.

Si Feranil ang humi­ngi ng tulong sa mga barangay tanod upang dalhin ang biktima sa ospital saka siya sumuko. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.