Abante Tonite Interactive

Kagawad sa Quezon todas sa mister ng kabit

By
2,753

Hindi na umabot sa kampanyahan para sa barangay elections ang isang incumbent bara­ngay kagawad matapos itong tadtarin ng saksak ng mister ng kanyang kabit sa Barangay Apad, Jomalig, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Rolando Suarez Villa, 40-anyos, barangay kagawad ng nasabing barangay.

Sa report ng Jomalig police, alas-nuwebe ng gabi nang makita umano ng suspek na si John Francis Andres dela Cruz, isang mangingisda, ang kanyang misis at ang barangay kagawad na naghahalikan sa loob mismo ng kanilang bahay.

Matagal na umanong nababalita ang bawal na relasyon ng misis at ng barangay kagawad.

Sa silakbo ng damdamin, hindi napigilan ng suspek ang galit at pinag-uundayan ng saksak ang kagawad na agad nitong ikinamatay.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang ­suspek.