Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad sideline ang droga, timbog

0 248

Pinosasan ang isang barangay kagawad na suma-sideline umano ng pagtutulak ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay.

Hindi na nakapalag nang posasan ng mga tauhan ng Talusan Municipal Police Station at Zamboanga Sibugay 1st Provincial Mobile Force Company ang suspek na si Mursidi Sarridin Hassan, 42, kagawad ng Barangay Boalan ng nasabing bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:10 ng gabi isinagawa ang buy-bust sa bahay ng suspek sa nasabing barangay kung saan isang police poseur buyer ang bumili ng halagang P500 na shabu sa kagawad.

Matapos magkapalitan ng iligal na droga at marked money ay agad inihudyat ang pagdakip kay Hassan. Bukod sa buy-bust money ay nakakuha pa ang pulisya ng tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu sa suspek at mga shabu paraphernalia.

Sa kasalukuyan ay nakapiit sa Talusan police ang kagawad habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban dito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.