Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad swak sa Laguna buy-bust

0 205

Arestado ang isang barangay kagawad sa anti-illegal drug operation ng mga pulis sa San Pablo City, Laguna, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Melvin Ocampo Empeño, 47-anyos, kagawad ng Barangay V-A at kabilang umano sa listahan ng high-value individual ng San Pablo City Police.

Sa report ng pulisya, isinagawa ang buy-bust sa suspek sa nasabing barangay dakong ala-1:10 ng hapon kung saan dumating ito saka ng Toyota Vios. Nakabili ng isang sachet ng shabu ang nagpanggap na buyer.

Kasunod nito ay hindi na nakapalag ang suspek nang posasan siya ng nag-aabang na mga operatiba ng pulisya. Nahulihan ang suspek ng limang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.