Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad tigok sa tanod

0 62

Nasawi ang isang barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng dalawang suspek, kabilang ang isang barangay tanod sa Lipa City, Batangas, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rene Laylo, 60-anyos, kagawad, at residente ng Barangay Antipolo del Sur, Lipa City.

Batay sa report ng Lipa City Police, papauwi na sana ang biktima mula sa pre-wedding party sa kanilang barangay at nakasakay na sa owner-type jeep kasama ang asawa at anak na lalaki nang biglang lumapit ang mga suspek na sina alyas ‘Jack’ at si Marciano Olan, na isang tanod sa kanilang barangay.

Malapitang binaril ng mga ito ang biktima na tinamaan sa ulo.

Naagaw naman ng anak ng biktima na si Jerome Laylo mula kay Jack ang baril nito na kalibre .45 kaya napilitang tumakas ang mga suspek.

Idineklarang dead on the spot na ang biktima.

Inaalam pa ang motibo sa krimen samanatalang pinaghahanap pa rin ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.