Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad tinaniman ng 18 bala

0 68

DAHIL sa 18 tama ng baril, todas agad ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Amulung, Cagayan noong Miyerkules.

Kinilala ni Amulung Police Station (APS) chief-of-police P/Maj. Osmundo Mamanao, ang biktima na si Ferdinand Javier, 46, barangay kagawad ng Barangay Babayuan, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, ayon na rin kay Mamanao at sa mga saksi, naglalakad umano sa gilid ng kalsada ang biktima nang hintuan ito ng itim na Hilux at saka pinagbabaril ito (Javier).

Ayon sa APS, posible umanong kilala ng biktima ang mga suspek dahil isa sa tinitignang motibo ng kapulisan ay ang pagiging watchlist ng biktima at ang pagiging negosyante nito.

Naka-recover ang pulisya sa crime scene ng 18 basyo ng .45 at .9mm na baril. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.