Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kagawad tinigok ni bayaw

0 296

Todas ang isang barangay kagawad na umawat sa gulo matapos siyang saksakin ng kanyang bayaw sa Barangay Sallacapo, Sinait, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Sinait Police Station (SPS) Chief of Police P/Lt. Joel Idica ang biktima na si Juwee Guzman, barangay kagawad ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek ay si alyas ‘Bubot’, bayaw ng biktima.

Ayon kay Idica, nag-away sina Bubot at ang kapatid nito kaya rumesponde at umawat si Guzman.

Sa halip aniya na magpaawat at tumigil ay bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.

Nagtamo si Guzman ng malalim na sugat sa kaliwang balikat sanhi ng kanyang pagkamatay.

Agad namang naaresto si Bubot at desidido ang pamilya ni Guzman na sampahan siya ng kasong murder. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.